Skip to main content

Pilipinas

Mga kaganapan ng 2018

© 2016 TED ALJIBE/AFP/Getty Images

Keynote

Essays

 
illustration
As China’s Grip Tightens, Global Institutions Gasp

Limiting Beijing’s Influence Over Accountability and Justice

 
illustration
Caught in the Middle

Convincing “Middle Powers” to Fight Autocrats Despite High Costs

 
illustration
Atrocities as the New Normal

Time to Re-Energize the “Never Again” Movement

 
illustration
Breaking the Buzzword

Fighting the “Gender Ideology” Myth

 
illustration
Can Algorithms Save Us from Human Error?

Human Judgment and Responsibility in the Age of Technology

 
illustration
Living Longer, Locked Away

Helping Older People Stay Connected, and at Home

 
201901wr_equatorialguinea_human_rights
Equatorial Guinea

Events of 2018

 
illustration
Social Media’s Moral Reckoning

Changing the Terms of Engagement with Silicon Valley

Lumala noong 2018 ang krisis sa karapatang pantao simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 2016 dahil sa pagpapatuloy nito ng di-makataong “giyera kontra droga” sa gitna ng pandaigdigang pagpuna.

Noong Marso, inianunsiyo ni Duterte na magbibitiw ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) “kaagad-agad” bilang tugon sa akto ng ICC noong Pebrero na maglunsad ng isang panimulang pagsusuri sa mga pagpatay sa “giyera kontra droga” para matukoy kung magsasagawa ng isang malawakang imbestigasyon o hindi.

Hinangad patahimikin ni Duterte ang kaniyang mga kritiko sa iba’t ibang paraan. Nananatiling nakakulong ang pinakaprominente sa kanila, si Senador Leila de Lima, sa mga kasong may motibasyong politikal ang kaugnay ng droga. Noong Mayo, tinanggal ng Korte Suprema ng Pilipinas, sa isang pambihirang pagkakataon, si Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno, malinaw na paghihiganti ito sa kaniyang kritisismo sa “giyera kontra droga” at iba pang mapang-abusong patakaran ni Duterte. Noong Setyembre, binawi ang amnestiyang ibinigay ng nakaraang administrasyon  kay Senador Antonio Trillanes IV, isa pang kritiko ni Duterte, para sa pamumuno nito ng pag-aaklas noong 2003 at 2007 nang siya ay opisyal pa ng navy; noong Oktubre, tinanggihan ng isang korte sa Maynila ang petisyon ng Department of Justice na maglabas ng warrant para sa pag-aresto sa kaniya.

Noong Nobyembre, sa isang pambihirang tagumpay para sa pananagutan, nahatulan na nagkasala ang tatlong opisyal ng pulisya sa pagpaslang noong Agosto 2017 sa 17-taong gulang na si Kian delos Santos. Ang pagpatay na nakunan sa CCTV ay nagpasiklab ng poot  sa “giyera kontra droga.” Noong Setyembre, hinatulan ng isang korte sa probinsiya ng Bulacan si ex-army Maj. Gen. Jovito Palparan at dalawa pang militar sa pagdukot at ilegal na detensiyon kina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, dalawang estudyanteng aktibista na diumano’y dinukot, ginahasa, at tinortyur ng militar noong 2006. Nananatiling nawawala ang dalawa.

Mga Extrajudicial na Pagpatay

Nagpatuloy ang “giyera kontra droga” ng administrasyong Duterte noong 2018 at kumalat sa mga lugar sa labas ng kabisera, ang Kalakhang Maynila, katulad sa probinsiya ng Bulacan, Laguna, Cavite, at ang mga siyudad ng Cebu at General Santos.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 4,948 ang pinaghihinalaang gumagamit at tulak ng droga ang namatay sa mga operasyon ng pulis mula Hulyo 1, 2016 hanggang Setyembre 30, 2018. Subalit hindi kasama rito ang libo-libong napatay ng mga di-kilalang armadong lalaki. Ayon sa Philippine National Police (PNP), 22,983 sa mga napatay simula nang umpisahan ang “giyera kontra droga” ay kabilang sa “mga pagpatay na kasalukuyan pang iniimbestigahan.”

Mahirap matukoy ang eksaktong numero ng mga namatay dahil hindi ibinubunyag ng pamahalaan ang mga opisyal na dokumento tungkol sa “giyera kontra droga.” Nagbigay ito ng magkakasalungat na estadistika at, sa kaso nitong “mga pagpatay na iniimbestigahan pa,” tinigilan ang pagbibigay ng mga numero.

Tila kasabwat ng pulisya ang mga di-kilalang mamamatay-taong may kinalaman sa mga pagpatay, kaya nakapagdududa ang pahayag ng gobyerno na karamihan sa mga krimen ay kagagawan ng mga vigilante at magkakaaway na grupong sangkot sa droga.

Nanindigan si Duterte na ipagpapatuloy ang kaniyang kampanya kontra droga hanggang matapos ang termino niya sa 2022. Noong Hulyo 2018, nangako siyang muli na ipagpapatuloy ang “giyera kontra droga”; aniya, “magiging kasimbagsik at kakila-kilabot ito tulad nang magsimula.”

Nangako rin siyang poprotektahan sa pang-uusig ang mga opisyal ng pulisya at mga ahenteng nagpapatupad ng “giyera kontra droga.” Bukod sa iilang high-profile na kaso, hindi pa naiimbestigahan ang mga pamamaslang.

Mga Tagapagtanggol ng Karapatang Pantao

Simula Pebrero 2017, nananatiling nakakulong si Senador Leila de Lima sa mga may ganyak ng pamumulitikang kaso kaugnay ng droga na inihain laban sa kaniya na malinaw na paghihiganti dahil sa pangunguna niya sa isang pagsisiyasat sa Senado sa mga pagpatay kaugnay ng “giyera kontra droga.” Umani ng mga pahayag ng internasyonal na suporta ang kaniyang sinapit.

Noong Setyembre, iniutos ni Duterte ang pag-aresto sa kasamahan ni de Lima, si Senador Antonio Trillanes IV, sa pamamagitan ng pagsasawalang-bisa ng kaniyang amnestiya; napilitan siyang manatili sa Senado nang ilang linggo. Noong Oktubre, isang korte sa Maynila ang nagpawalang-saysay sa petisyon ng gobyerno na mag-isyu ng pag-aresto laban kay Trillanes. Si Trillanes ang pinakamatapang na kritiko ni Duterte matapos ni de Lima; inakusahan niya ng korupsiyon ang presidente at kaniyang pamilya.

Noong Pebrero, nagpalabas ang Department of Justice ng isang petisyon na nagbansag sa higit 600 tao—ilan sa kanila sina Victoria Tauli-Corpuz, ang United Nations special rapporteur sa karapatan ng mga katutubo, at dose-dosenang makakaliwang aktibista—na kabilang sa Communist Party of the Philippines (CPP) at ang hukbo nitong New People’s Army (NPA). Ang aksiyong ito ay naglagay sa mga nasabing indibidwal sa peligro na baka sila mapatay. Tinawag ni Tauli-Corpuz ang alegasyon na “walang basehan, malisyoso at iresponsable.” Noong Agosto, inalis ng isang korte sa Maynila ang pangalan niya mula sa petisyon. Pinanindigan ng tagapagsalita ng pangulo ng Pilipinas na si Harry Roque noong Marso na “ang ilang grupong para sa karapatang pantao ay di-malay na nagagamit ng mga lider ng grupong sangkot sa droga upang hadlangan ang mga hakbang na nagawa ng administrasyon.” Inulit nito ang mga komento ng kalihim ng Ugnayang Panlabas na si Alan Peter Cayetano ilang araw ang nakalipas, ang paghahalintulad sa pagsisikap ng ilang di-pinangalanang samahan para sa karapatang pantao na pigilan ang nakakakilabot na “giyera kontra droga” sa “pagpapagamit sa mga lider ng grupong sangkot sa droga.”

Karapatan ng Kabataan

Inianunsiyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Hunyo na nagbabalak itong magpataw ng taunang drug screening tests na hindi iaanunsiyo sa mga guro at estudyante simula sa ika-apat na baitang. Pinangatwiranan ng PDEA ang aksiyon bilang pagtatangkang matukoy ang mga 10-taong gulang na posibleng gumagamit ng droga para “maisalba sila habang bata pa.”

Ang pagpapataw ng drug testing sa mga estudyante habang pinapatay ng pulisya ng Pilipinas ang mga pinaghihinalaang gumagamit ng droga ay naglalagay sa mga bata sa peligro sakaling bumagsak sila sa drug test. Ang sapilitang pagsusuri ay maaari ring lumalabag sa karapatan sa integridad ng sariling katawan (bodily integrity) ng bata, makadagdag sa di-makatwirang panghihimasok sa kanilang pagkapribado at dignidad, at makapipigil sa bata na pumasok sa eskuwela kahit sa dahilang di-konektado sa anumang paggamit ng droga.

Dose-dosenang bata ang napatay ng pulisya mula pa sa simula ng “giyera kontra droga” noong Hunyo 2016, mga pagpaslang na binalewala ni Duterte bilang “collateral damage.” Noong Pebrero, inaresto ng pulisya ang tatlong opisyal na nadawit sa execution-style summary killing ng 17-taong gulang na si Kian Lloyd delos Santos noong Agosto 2017.

Pag-atake sa mga Mamamahayag

Pinatindi ang pag-atake ng administrasyong Duterte sa kalayaan sa pamamahayag noong Enero 2018 sa pagbabanta nitong ipasara ang Rappler.com, isang online news outlet na kritikal sa “giyera kontra droga.” Noong Nobyembre, idinemanda ng Department of Justice ang Rapper at si Maria Ressa, editor at tagapagtatag nito, para sa di-pagbabayad ng buwis. Sinundan ito ng buwan-buwang pag-atake at panggugulo ng gobyerno ni Duterte at kaniyang mga tagasuporta sa Rappler.

Ang bagong alituntuning plano ng House of Representatives ng Pilipinas noong Mayo ay magbibigay ng pahintulot sa Kongreso na ipagbawal ang mga reporter na naninira ng reputasyon ng mga mambabatas mula sa pag-uulat sa pambansang lehislatura. Tinuligsa ng mga mamamahayag at ibang miyembro ng Kongreso ang panukala bilang mapanganib dahil ito ay malabo at nakasasakal.

Nagpatuloy ang pamamaslang sa mga mamamahayag noong 2018, anim ang napatay ng di-kilalang mamamatay-tao sa iba’t ibang parte ng bansa.

Epidemya ng HIV

Kinakaharap ng Pilipinas ang pinakamabilis na pagkalat ng epidemyang HIV sa Asya. Ayon sa Joint United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS), ang bilang ng bagong kaso ng HIV ay pumalo mula 4,400 noong 2010 sa 12,000 noong 2017, ang pinakahuling taon na may makukuhang datos. Karamihan sa bagong naimpeksiyon—aabot sa 83 porsiyento—ay mga lalaki at transgender women na nakikipagtalik sa lalaki. Mayroon nang tinatantiyang 68,000 Pilipino na may HIV.

Ipinapalagay na bunga itong pagtindi ng pagkabigo ng gobyernong tugunan ang epidemya. Ipinakikita ng saliksik ng Human Rights Watch na maraming kabataang Filipinong aktibong nakikipagtalik ang kaunti o walang alam sa gamit ng kondom sa paghadlang ng nakahahawang sakit dulot ng sex dahil sa kakulangan ng gobyerno na itaguyod ang masigasig na paggamit ng kondom, kabilang sa iba pang dahilan.

Naidokumento ng Human Rights Watch na ang mga manggagawa at empleyado sa Pilipinas na mayroong HIV ay nakararanas ng diskriminasyon sa kanilang trabaho, kasama rito ang di pagtanggap sa trabaho, ilegal na pagtanggal sa trabaho, at puwersahang pagpapabitiw sa mga taong may HIV. Maaari ring balewalain o aktibong pangasiwaan ang panggugulo ng mga namamahala sa mga empleyadong positibong may HIV. Noong Pebrero, iminungkahi ni Duterte sa isang grupo ng nagbalikbayang migranteng manggagawa na huwag gumamit ng kondom dahil “hindi ito masarap (sa pakikipagtalik).”

Noong Oktubre, inaprobahan ng Senado at Kongreso ang isang panukala na mag-aamyenda sa 20-taon nang batas sa AIDS sa Pilipinas. Binabalangkas ng bagong batas ang isang rights-based na tugon sa epidemya at ipinagbabawal ang diskriminasyon sa mga taong may HIV sa kanilang pinagtatrabahuhan at sa iba pang lugar. Ginagawa rin nitong ilegal ang pagbubunyag ng employer sa estado ng indibidwal na may HIV nang walang pahintulot. Gayunman, hindi kasama sa batas ang mga espesipikong probisyon para sa gobyerno na itaguyod ang paggamit ng kondom.

Oryentasyong Seksuwal at Pagkakakilanlang Pangkasarian

Dininig ng Korte Suprema ng Pilipinas ang isang pinakahihintay na argumento noong Hunyo na  makapagbubukas ng pinto sa same-sex marriage sa lubhang Katolikong bansa. Noong Mayo, inaprobaban ng Mandaluyong City ang ordinansa na nagpoprotekta sa mga karapatan ng lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT)—ang pinakabago sa serye ng magkakatulad na lokal na batas na naipasa sa buong bansa.

Buong pagkakaisang naipasa ng House of Representatives ang federal nondiscrimination bill na magpoprotekta sa LGBT noong Setyembre 2017, subalit hinadlangan ng mga tumututol dito ang kapares nitong panukala sa Senado. Nagbigay rin ang mga Kongresista ng panukala na magbibigay-daan sa mga civil partnership at magbibigay sa same-sex couples ng karapatan sa pag-aampon, insurance, mana, ari-arian, at pagpapasyang-medikal.

Piling International Actors

Noong Enero 2018, nagpahayag ng matinding pag-aalala ang European Commission tungkol sa pagsunod ng Pilipinas sa mga obligasyon sa karapatang pantao kaugnay ng trade preferences scheme na kinapapakinabangan nito.

Noong Pebrero, inianunsiyo ng prosekyutor ng International Criminal Court (ICC) na magbubukas siya ng panimulang pagsusuri sa mga pamamaslang sa “giyera kontra” sa Pilipinas. Tumugon ang administrasyong Duterte sa pag-urong sa Rome Statute, na isang taon pa bago maging ganap. Noong Abril, nagpatibay ang European Parliament ng isang resolusyon na nanawagan sa Pilipinas na itigil ang giyera kontra droga at tiyakin ang pananagutan, at sa EU na gamitin lahat ng magagamit—kabilang ang pagsuspinde sa trade benefits, kung kinakailangan—para himukin ang Pilipinas na baliktarin ang mapang-abusong pamamalakad nito.

Ang mga gobyerno sa Asya ay nagpahayag ng pahiwatig o tahasang pagsuporta para sa kampanya kontra droga. Ginawaran ng gobyerno ng Indonesia noong Pebrero 2018 ang noong-Philippine National Police Director-General Ronald dela Rosa ng pinakamataas na karangalan, ang Medalya ng Karangalan, para sa kaniyang “mala-rock star na inspirasyon sa pambansang pulisya ng Indonesia at mga Indones kung paano lumahok sa giyera kontra droga.”

Noong Mayo, ipinagkaloob ng South Korean Embassy sa Maynila at ng Korean Police National Agency ang higit sa 130 sasakyan sa Philippine National Police sa kabila ng papel nito sa mga pamamaslang sa “giyera kontra droga.”

Regular na nagbibigay ng tulong ang US Congress sa gobyerno ng Pilipinas, kasama rito ang malaki-laking panustos para sa armas pati pagpopondo sa pagpapatupad ng bata at pagsasanay ng militar. Nakalaan lamang ang pondo sa pagpapatupad ng batas sa paggamot sa mga gumagamit ng droga at mga programang pandagat at internasyonal na interdiction program. Karaniwan ding nagbibigay ang US military sa militar ng Pilipinas ng segunda-manong sasakyang militar, at mga kagamitang di- nakamamatay.

Pinangunahan ng Iceland ang pagbibigay ng magkatuwang na pahayag sa ngalan ng 32 estado sa pulong noong Hunyo sa United Nations Human Rights Council (HRC), na dagdag sa dalawang dating magkatuwang ng mga pahayag, at tumutuligsa sa mga extrajudicial na pagpatay at nananawagan kung kinakailangan para sa “isang mas pormal na inisyatiba ng Konseho” upang papanagutin ang Pilipinas sa mga obligasyon nito bilang miyembro ng Konseho. Nanawagan din ito sa Pilipinas na “makipagtulungan sa internasyonal na komunidad” upang matiyak ang pag-iimbestiga sa mga pamamaslang. Noong Oktubre 12, nahalal ang Pilipinas sa ikalawang pagkakataon sa tatlong-taong termino sa UN HRC, simula sa Enero 2019.